"Gusto kong maging Live Sound Engineer"
Madalas kong marinig yan sa mga kaibigan ko. Marami na rin ang nagbanggit
ng mga salitang "Turuan mo naman ako nyan". "Bakit Hindi?"
yan naman ang parating sagot ko. At madalas sinusundan ng mga katanungang
"Mahirap ba?"
Mahirap nga ba?
Sa dami ng pihitan ng isang mixing board at sa dami ng kableng tinutusok at
ikinakabit dito, hindi nga malabong isipin ng karaniwang tao na "Mahirap
nga". Magulo, masalimuot, nakakalito, yan ang unang impression sa harap ng audio mixing console.
Pero, maniwala ka sakin. Madali lang ito. Alam mo ba kung nasaan ang kanan
at kaliwa? Hindi ka naman siguro bingi at bulag, at marunong ka rin naman
sigurong bumasa at sumulat, 'di ba? Kaya wag ka nang mag-alala, magsama tayong
mangarap. Tahakin natin ang career mo sa larangan ng Audio Engineering.
Sound Engineer or Audio Engineer Wow, bigatin. Ganda ng pangalan. Ano nga ba ito? Itanong natin kay pareng Wiki.
"An audio engineer is concerned with the recording, manipulation, mixing and reproduction of sound. Many audio engineers creatively use technologies to produce sound for film, radio, television, music, electronic products and computer games.[1]Alternatively, the term audio engineer can refer to a scientist or engineer who develops new audio technologies working within the field of acoustical engineering.[2]
Audio engineering concerns the creative and practical aspects of sounds including speech and music, as well as the development of new audio technologies and advancing scientific understanding of audible sound.[2]"
Ayun. It involves mixing and reproduction of sounds daw. Marami pa rin ang hindi tumatanggap na tawaging Audio Engineer o Sound Engineer ang mga ordinaryong technician na makikita natin sa pangkaraniwang events. Mas gusto nilang tawagin itong "Sound Operators". Hindi ko alam kung isa itong uri ng diskriminasyon. Para sa akin, hindi na mahalaga ang katawagan sa nagpapatunog o nagtitimpla ng tunog. Kahit anong itawag ninyo sakin ay ayos lang. Wala akong Engineering Degree kaya wala akong lisensyang hinahawakan. Pero ginagawa ko ang ginagawa ng isang Sound Engineer kaya ano ang dapat itawag sa akin? Pwede na sigurong "Aspiring" Sound Engineer Hahaha...
Para sa akin, ikaw na nagtitimpla ng tunog, ikaw na nagpo-produce ng tunog, ikaw na nag-aaral tungkol sa tunog, sa paningin ko, isa kang Sound Engineer. Wag nyo na ipaalam sa iba. Secret na lang natin ito. Mga Engineers tayo. ;-)
Sound Engineer or Audio Engineer Wow, bigatin. Ganda ng pangalan. Ano nga ba ito? Itanong natin kay pareng Wiki.
"An audio engineer is concerned with the recording, manipulation, mixing and reproduction of sound. Many audio engineers creatively use technologies to produce sound for film, radio, television, music, electronic products and computer games.[1]Alternatively, the term audio engineer can refer to a scientist or engineer who develops new audio technologies working within the field of acoustical engineering.[2]
Audio engineering concerns the creative and practical aspects of sounds including speech and music, as well as the development of new audio technologies and advancing scientific understanding of audible sound.[2]"
Ayun. It involves mixing and reproduction of sounds daw. Marami pa rin ang hindi tumatanggap na tawaging Audio Engineer o Sound Engineer ang mga ordinaryong technician na makikita natin sa pangkaraniwang events. Mas gusto nilang tawagin itong "Sound Operators". Hindi ko alam kung isa itong uri ng diskriminasyon. Para sa akin, hindi na mahalaga ang katawagan sa nagpapatunog o nagtitimpla ng tunog. Kahit anong itawag ninyo sakin ay ayos lang. Wala akong Engineering Degree kaya wala akong lisensyang hinahawakan. Pero ginagawa ko ang ginagawa ng isang Sound Engineer kaya ano ang dapat itawag sa akin? Pwede na sigurong "Aspiring" Sound Engineer Hahaha...
Para sa akin, ikaw na nagtitimpla ng tunog, ikaw na nagpo-produce ng tunog, ikaw na nag-aaral tungkol sa tunog, sa paningin ko, isa kang Sound Engineer. Wag nyo na ipaalam sa iba. Secret na lang natin ito. Mga Engineers tayo. ;-)
MAIKLING KWENTO
Paano ba ako nagsimula? Alam kong wala kayong pakialam sa kung papano ako
napunta dito. Buti sana kung gwapo ako at bading kayo. Hindi rin naman ako
magandang chick para pagka-interesan ninyo. Pero siguro kailangan kong ikwento
sa inyo kung papano ako naipakilala sa ganitong career. Baka sakaling kapulutan
ninyo ng kahit na konting inspirasyon at malay natin, maisip ninyo na kung
itong kamote na 'to eh natuto, bakit hindi ako?
Hindi ko na maalala kung kailan pero medyo matagal na rin. Mahigit isang
dekada na rin ang nakararaan simula nang una kong nahawakan ang isang mixing
console. (Ok na yan. Wag nyo na tanungin kung anong taon, kasi lalabas na matanda na ako) Nauna akong matuto sa pag-program ng Laser gamit ang Pangolin Software. Utang ko kay Tim Bennett ng Argon Animation ang pagkakatuto ko sa
laser animation, design and production. Eto yung makikita ninyo na green na
laser beam na nakakabuo ng iba't-ibang hugis o korte. Pinagpupuyatan ko noon
ang pag "digitise" ng mga images nito. Iba't-ibang logos, animation
at patterns ang nalilikha sa pag-gamit ng laser program. SOP ng Channel 7,
Philip Morris, Ayala Center, SM Malls at marami pang iba, sila ang mga kliyente
namin na sinusuplayan ng mga laser shows sa iba't-ibang lugar, hindi lang sa
Luzon, maging sa Visayas at sa Mindanao.
At dahil na-expose ako sa laser programming, naaliw ako sa sayaw ng mga
ilaw sa stage. Ang pagpapalit ng mga kulay, pagdidisenyo at pagbibigay buhay sa
mga karakter na lumalabas sa entablado. "Ito! Ito ang gusto kong gawin.
Gusto kong maging isang Lighting Director. Katulad nila Kuya Dom, Kuya Bong,
Shakira at John Batalla". Ilan sila sa mga respetadong Lighting Designers
dito sa Pilipinas. Take note, hindi lang
respeto ang inuuwi nila sa tuwing matatapos ang bawat show na ginagawa nila.
Nag-uuwi din sila ng sapat na kita mula sa kakayahan nila sa pagdidisenyo ng
ilaw. Sa madaling salita, may pera sa ganitong trabaho. Maganda ang kita.
Ayun, kumislap ang mga mata ko at nangarap ako. Nangarap akong maging isang
Lighting Designer. Nag-attend ako ng workshop ni Sir Joey Nombres sa CCP noon.
Bagamat nakapag-hulog ako ng down payment, hindi ko na nabayaran yung mga
susunod pang bayarin kaya napilitan akong hindi na magpatuloy sa pag-aaral.
Iyon na ang huli kong sabak sa pagtahak ng landas sa Lighting Designs. Goodbye.
Kung hindi ako nagkakamali, mga tatlong taon lang akong nanatili sa Argon Animation. Nagpaalam ako sa Argon at nag-concentrate sa pagdo-drawing noong mga panahon na iyon. Hanggang isang araw, tinawagan ako ni Ramon (dati kong kasamahan sa Argon) para tauhan ang isang maliit na Sound System rental na negosyo ng brother in-law nya. dun ko nakilala si Jay Server. Sya ang may-ari ng Ear Candy (parang sweet sound). Unang araw ko, sabak agad sa isang event. Buti na lang, mabait si Jay at hindi nya ako iniwan noon. Halos sya ang nagtitimpla ng tunog. Tumulong lang ako sa pagbuhat at pagsetup ng gamit. Dalawang speakers at isang mixer. Yun lang. Kaya dalawa lang kaming pumunta sa Ateneo De Manila University. (Naaalala ko pa ah hehehe)
Nasundan pa iyon ng ilang mga setup. Madalas sa Yaku Bar sa Makati. Pang
Acoustic ang setup at madalas ay "Overtone" ang tumutugtog. Unang
sabak ko sa Yaku Bar, solo na ako. Ipinaliwanag sa akin kung ano lang ang dapat
kong pihitin at kung ano ang dapat iwasan. Feeling ko, naiinis sa akin yung mga
banda. Pano ba naman eh hindi ko talaga alam ang ginagawa ko. May pihitan na
kulay blue, may pula, may gray , etc.. Mabuti na lang, mababait sila. At mabuti
na lang at may extra pa yung mga pisi nila ng pasensya. Natatapos ang gig sa
ganoong sitwasyon, pero hindi doon natatapos ang pananaw ko. "Hindi ko
ginagawa ito para lang kumita ng pera. Ginagawa ko ito para umangat sa larangan
kung saan ako niluklok ng tadhana". (niluklok.. naks lalem)
Hinanap ko ang manual ng mixer, binabasa ko iyon tuwing gabi.
Pinag-aaralang mabuti ang functions
ng bawat pihitan. Inalam ko ang mga bagay na dapat kong malaman.
Nagbukas ang Capones Bistro sa Valero makalipas ang ilang linggo. Doon ay
lalo akong na-expose sa pagpihit ng mixer. Na-expose pero salat pa rin sa
kaalaman. Bobo pa rin ako, ika nga. Walang alam sa acoustics, mic placement,
pag-gamit ng equalizer, etc., etc..
Dumating ang pagkakataon na may nakita ako sa internet na magdadaos ng
isang workshop kung saan magfa-facilitate ang dalawang British Sound Engineers.
Tinawag itong "Audio Engineering for Live Applications" Hindi ako
nag-aksaya ng panahon at dinaluhan ko ang workshop na yun. Dun marami akong
nakilala na pundasyon na rin ng Audio Engineering dito sa Pilipinas ngayon.
Natuto ako at nagkaroon ng certificate. Nagkaroon ng mga bagong kaibigan at
nakipagpalitan ng kaalaman sa ganitong larangan. Nagsimula akong humakbang sa
unang baitang ng aking bagong career.
Sa tuwing may nababalitaan akong workshop, umaattend ako. May bayad man o
wala. Pero mas madalas gumagastos ako sa mga seminars at workshops. Kabilang na dyan yung sa British Council of the Philippines at yung sa Institute of Audio and Acoustics. Kapag may mga product demos at convention, hanggat maaari dinadaluhan ko dahil gusto kong maging updated sa mga bagong sound system. Naging uhaw ako sa impormasyon at karunungan sa ganitong kalakaran. Gusto
kong matuto at mag-aral ng mag-aral. Wala nang talikuran, nandito na ako at ito
ang tatahakin ko.
One gig after another. Iba't-ibang banda, singer at performers ang
hinawakan ko. Naranasan ko ang ibat't-ibang pakikitungo ng mga artists sa akin.
Naranasan kong matulog sa ilalim ng stage. Naranasan kong kumain sa
styro-containers sa likod ng stage. Naranasan kong magbuhat ng mabibigat na
speakers, mag rolyo ng kable, maputikan ang mga kamay, hindi kumain buong araw
habang nagtatrabaho, mabasa ng ulan, umakyat sa 20-feet na trusses na walang
harness (wag nyong gayahin yun), mamura, masaktan, masugatan at naranasan ko
ring sa kabila ng mga hirap na ito, ay umuwi kami ng may mga ngiti sa labi. Dahil
ang pinaghirapan namin ay nagdala ng kasiyahan sa mga manonood.
Ito ang karanasan ko, minsan mahirap, pero madalas ay masaya.
Kung handa kang danasin ang mga bagay na pinagdaanan ko, tara, ituturo ko
sayo ang daan.
-Charlie Morales 12032013
Quezon City
hello po mister magssenior high school na po ako and tama naman po bang STEM ang kunin ko dba? pero ang tanung ko po meron po bang college na nag ooffer ng audio engineering kung meron lang po kayong alam
ReplyDeleteIt's nice to know na hindi pla kelangan my engineering degree para maging sound engineer,thanks so much for sharing us this blog,,I'm a VO talent and im always wanting to learn more about sound engineering
ReplyDeletehindi pla kailangan my diploma kang pnang hhawakan s gnito larangan,,
ReplyDeleteang kailangan lng pla ay GUSTO MO ANG GNGAWA MO AT MSAYA K S GNAGAWA MO.. SLAMAT AT NBUHAYAN PO AKO S KWENTO NIO..